Buwan ng
Wikang Pambansa 2016
Kada Agosto
ng bawat taong-akademiko, ang “Buwan ng Wika” ay isa sa mga pinaka-aabangang
kaganapan sa lahat ng mga paaralan, mapa-elementarya, sekondarya, at maging sa
kolehiyo. Ayon sa Komisyon ng Wikang
Filipino (KWF), ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Filipino: Wika ng
Pambansang Kaunlaran.”
Para sa
maraming tao, ang pagiging mahusay sa wikang Ingles ang isa sa batayan upang
matawag na intelihente. Sa kabilang banda, ang mga mahilig gumagamit sa wikang
Filipino ay kadalasang kinukutya naman bilang mga “makata.”
Masasabing
ang paggamit sa temang “Filipino: Wika Ng Karunungan” ay isang direktang tugon
sa maling persepsyon na ito. Mapapansin naman na dalawa sa apat na sub-tema ay
tumatalakay sa papel ng Filipino sa pagpapalaganap ng kaalaman at mga
pananaliksik.
Halimbawa,
karamihan sa mga tesis, disertasyon, at mga nalalathalang pananaliksik ay
nasusulat sa wikang Ingles. Bagaman nakakatulong ito sa konteksto ng
globalisasyon, dapat ring bigyang prayoridad ang pangangailangan na maipaalam
ang nilalaman nito sa mga ordinaryong Pilipino.
Lahat tayo
ay dapat mahalin at tangkilikin ang ating sariling wika.Ang wika ng mga
dakila.Ang ating wikang pambansa na siyang bigay n gating maykapal.